Wikang Filipino, Tulay Ng Pagkakaisa
Isinulat ni Gangelyn A. Pingal
Wikang Filipino ang siyang ating 'Wikang Pambansa'. Ito rin ang nagbubuklod sa kahit saang parte ng Pilipinas. Ipinagdiriwang din ito tuwing buwan ng Agosto. Sa buwan na ito ipinapakita ang pagbabalik tanaw sa naranasan ng ating 'Wikang Pambansa' noong unang panahon. At bukod pa riyan, nagkakaroon din ng ibat-ibang aktibidades na nagpapakita ng pagmamahal sa ating wikang Filipino.
Wikang Filipino ang siyang ating 'Wikang Pambansa'. Ito rin ang nagbubuklod sa kahit saang parte ng Pilipinas. Ipinagdiriwang din ito tuwing buwan ng Agosto. Sa buwan na ito ipinapakita ang pagbabalik tanaw sa naranasan ng ating 'Wikang Pambansa' noong unang panahon. At bukod pa riyan, nagkakaroon din ng ibat-ibang aktibidades na nagpapakita ng pagmamahal sa ating wikang Filipino.
Ngunit kung ating iisipin, hindi na kailangan na hintayin o dumating pa ang buwan ng Agosto upang ipakita ang pagmamahal sa wikang Filipino. Wikang Filipino ay ang sariling wika natin. Ito ang nagsasalamin at nagbubuklod sa ating mga Pilipino. Kaya nararapat lang na ito'y ating pagyamanin sa kadahilanang malaki ang naitutulong nito sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Halimbawa nalang nito ay ang pakikipagtalastasan sa mga tao mula sa ibang lugar dito sa Pilipinas. Alam naman natin na ang Pilipinas ay may maraming wika. Mga wikang ibat-iba mula sa ibat-ibang sulok ng lugar sa Pilipinas. Kaya't papaano tayo magkakaroon ng pagkakaintindihan kung wala ang wikang Filipino na siyang wika ng Pilipinas. At siya ring wika ng pagkakaisa.
Ang pagpapahalaga sa wikang Filipino ay pagpapakita rin ng pagpapahalaga sa kasaysayan at pagmamahal sa bayan.
Diba napakagandang isipin na ang lumalaganap na wika sa ating bansa ay ang sariling wika natin. Yung tipong kahit sa kabila ng lumalaganap na globalisasyon, nananatili parin sa ating mga puso ang pagmamahal sa ating sariling wika.
Dumako naman tayo sa reyalidad...
Hindi maikakaila na maraming wika ang lumalaganap sa ating henerasyon ngayon. Nariyan ang wikang 'beke' na kung mapapansin natin ngayon hindi nalang mga 'beke' ang gumagamit kundi lahat na. Nariyan din ang 'jeje' at marami pang iba.
Sa panahon ngayon mataas ang tingin ng mga tao sa mga taong nakakasunod sa makabagong takbo ng panahon. 'Kisyo kailangang gawin dahil nasa uso' o di kaya 'mapag-iiwanan daw ng panahon kung hindi makikisabay sa uso'.
Sa napakabilis ng takbo ng makabagong panahon hindi maikakaila na napag-iiwanan na rin ang ating wikang Filipino. Oo, nariyan na na ginagamit natin ito. Ngunit hindi sapat ang paggamit nito kung wala namang sinasabing 'tama at disiplina'. Marami sa atin ngayon nahihirapan nang gamitin ang Filipino ng tama at tuloy-tuloy. Kaya siguro naimbinto ang salitang 'TagLish'(Tagalog-English) para pagaanin ang paghihirap natin. Pero kung iisipin, tinuturoan lang nito na maging tamad sa pagsasaliksik ng tamang salita na dapat gamitin. Hindi masama na matuto tayong gamitin ang ibang wika lalo na ang wikang Ingles na siyang wika ng buong mundo. Ngunit tandaan natin na bago tayo yumakap sa ibang wika kailangan muna nating yakapin ng buong puso ang sariling wika natin. Dahil ang wikang Filipino ay atin at siyang nagsisilbing identidad nating mga Pilipino kaya't mahalin ang wikang Filipino at pagyamanin ito. Dahil wikang Filipino, tulay patungo sa pagkakaisa.
Comments
Post a Comment