Posts

Showing posts from August, 2018

Wikang Filipino, Tulay Ng Pagkakaisa

Isinulat ni Gangelyn A. Pingal                      Wikang Filipino ang siyang ating 'Wikang Pambansa'. Ito rin ang nagbubuklod sa kahit saang parte ng Pilipinas. Ipinagdiriwang din ito tuwing buwan ng Agosto. Sa buwan na ito ipinapakita ang pagbabalik tanaw sa naranasan ng ating 'Wikang Pambansa' noong unang panahon. At bukod pa riyan, nagkakaroon din ng ibat-ibang aktibidades na nagpapakita ng pagmamahal sa ating wikang Filipino.        Ngunit kung ating iisipin, hindi na kailangan na hintayin o dumating pa ang buwan ng Agosto upang ipakita ang pagmamahal sa wikang Filipino. Wikang Filipino ay ang sariling wika natin. Ito ang nagsasalamin at nagbubuklod sa ating mga Pilipino. Kaya nararapat lang na ito'y ating pagyamanin sa kadahilanang malaki ang naitutulong nito sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Halimbawa nalang nito ay ang pakikipagtalastasan sa mga tao mula sa ibang lugar dito sa Pilipinas. Alam na...